Ako si Vic Sorro.

5/12/07

the five people you meet in heaven



WOW! Nagbabasa na ko ngayon ng libro! At eto nga ang pinakahuli kong libro na nabasa.. Xempre may mga dahilan kaya ako nagbabasa!

1. WALANG MAGAWA! (parang gusto ka na tuloy ulit mag RF.. T_T)
2. Palagi ko na lang nakikita etong "the five people you meet in heaven" na kasama sa "Favorite Books" ng mga tao sa friendster.
3. Syempre kung madaming may gusto ng librong to, ibig sbhin siguro nun ay maganda yung libro. (nag-assume na naman ako)
4. Para malagay ko na rin sa "Favorite Books" etong librong to. Saka para ma-update yung profile ko! (hahaha! XD)
5. WALA TALAGANG MAGAWA! (guto ko na mag RF!)
6. My Passion for LITERATURE!!!

Ngayong natapos ko na basahin tong librong to, (buti na lang 196 pages lang..) masasabi kong napakaganda nga ng story nito. Title pa lang ng libro malupet na! Maslalo na yung lamang kwento ng librong to. Basta kung hindi mo pa to nababasa eh bumili ka na o kaya manghiram ka na! (naiimpluwensyahan na ko ng Call TV..)
Hindi makukumpleto ang buhay mo kung hindi mo to nabasa!


Tatapusin ko ang post na ito sa pamamagitan ng isang napakagandang quote na galing dito sa libro..

- That each affects the other and the other affects the next, and the world is full of stories, but the stories are all one.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home