Ako si Vic Sorro.

5/17/07

KOL TV

Napanood nyu na ba yung PINAKAMALUPET na TV show?!

KOL TV
Monday - Friday
3:00pm - 4:30pm
RPN 9



Disclaimer: I recommend you watch the show first before reading any of my comments about this show.


ANG MGA MASASABI KO SA KOL TV

1. KOL TV?! Title pa lang palabas nakakabobo na. Grabe sana naman "Call TV" na lang ung ginawa nilang title kaysa sa "Kol TV". Para tuloy bastos ung show dahil sa title.

2. Para makasali ka, una kelangan mong mag-register. Tapos mag tetext ka ng GET X TO 2910, where X| 0 < X < 51, where X is ℤ. At ang bawat text mo ay isang chance para manalo. Bali masmadami kang itext, masmataas ang chance mong manalo! At ang masaya dito, P10 per Text! Pero wag ka magalala dahil hindi naman mababaliwala ang P10 mo. Dahil sa bawat text mo ay may madodownload ka na picture message/logo/ringtone na siguradong i-dedelete mo lang pagkareceive mo. Atleast may free download na kasama..

3. Nagrarange ung prize from P2000-P15000. Depende lang sa hirap ng bawat puzzle. Pero wala ring kwenta ung difficulty kasi ibibigay rin nung host lahat ng posibleng clues para lang ma-gets mo ung pinapahulaang puzzle. Bali kung hindi mo alam ang word, magintay ka lang ng onting sandali at magbbgay rin ng clue ang host.

4. Each puzzle lasts approximately 15 minutes. At sa buong time na yun ay papakinggan mo lang ung host na parang sirang plaka sa kanyang pinagsasabi. Sobrang paulit-ulit lang ung sinasabi ng host. Siguro mga 100 beses nya inuulit ung "GET X and send to 2910" sa bawat puzzle. Sobrang nakakarindi. Tapos kung may iba namang sinasabi ang host, siguradong Words of Persuasion lang ung cnsb nya. Magsasabi lang ung host na magtext ka na kasi sandali na lang ung time. Tapos magsasabi pa siya ng mga walang kwentang dahilan para magtext ka. Ewan ko pero pagpapakinggan mo ung host, matatawa ka na lang kc parang nanloloko lang siya.

5. Dahil lagi kong nakikita itong KOL TV, nakikita ko rin na paiba-iba sila ng host. Sa buong panunuod ko ay 3 tao na ang naging host ng show na to. Ang unang host nito ay ung parang si Bembol Roco na 25 yrs old lang. At ang host na to ay sobrang seryoso sa pagsasalita kaya nkktamad panoorin. Kaya siguro ngayon wala na xa. Yung pangalawang host naman ay parang ung taong nakatambay lang sa mga kanto kanto tapos naninigarilyo na walang suot na t-shirt. Tapos parang hinablot lang tapos naging host agad. Ang host namang ito ay nakakaburat panuorin kc nakakaburat... Ang pangatlong host naman ay parang college graduate lang. Pagpinapanod ko naman to eh parang naiinis ako. Kc eto ung pinakabanong maghost sa kanilang lahat.

6. Kahit na mababa lang ung guaranteed prize, sobrang LAKI naman ng bonus prize! Grabe! Biruin mo P50,000 ung bonus prize! Papaalala ko lang ung mechanics para sa bonus round... Bali after mong sumagot ng tama, pupunta ka agad ng bonus round! Sobrang dali rin manalo sa bonus round! Pipili ka ng 3 cards sa 16 cards na nakadisplay. At dapat ay may joker na laman ang bawat card na napili mo. At kung lahat ng tatlong cards na pinili mo ay may joker, ikaw ay mananalo na ng P50,000!! Pero kung hindi mo naman makukuha lahat ng joker, mananalo ka naman ng P500 bawat joker na makuha mo! Bali kung 2 sa 3 joker lang ang napili mo, meron kang additional P1000! Sulet!

Tignan natin ang chance ng isang tao na makuha lahat ng joker para manalo ng P50,000.

16!
——————
3! (16-3)!

= 560


Bali meron kang 1 out of 560 chance na mapanalunan ang jockpot prize! In other words, kahit sinong taong sasali sa bonus round ay mayroong 0.18% na chance na mapanalunan ang P50,000!

7. Kung napanood nyu kung panu ginagawa ung bonus round, dapat mapuna nyu agad kung gaano ka-imposibleng manalo sa bonus round. Hindi ito ung tipong may physically seen cards tapos titignan ung laman nung card kung may joker o wala. Dito sa bonus round na to, parang may pinapakita lang sa screen na computer generated na mga cards. Anu ibig sbhin nun? Kung may manalo man sa Bonus Round, siguradong kasabwat lang to ng Kol TV at "pinanalo" para ipakita na posibleng mapanalunan ang bonus prize.

8. Pagpinanood mo ang KOL TV ng hindi linilipat ang channel hanggang matapos ang palabas, siguradong sasakit lang ang ulo mo.


Ngayon naman ay tatapusin ko ang post ko sa pagsasabi sa inyo ng inspirational words na sinabi sa akin ng kapatid ko nung nanuod ako ng KOL TV..

Ang sabi niya, "Nagsasayang ka lang ng kuryente.."

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home