Ako si Vic Sorro.

6/2/07

Lucid Dreaming

Lucid dreaming is the state in which a person is dreaming but is aware that they are dreaming.
-Wikipedia 2007



Kagabi ay nanaginip ako. Bali sa natatandaan ko, ganito ung senaryo ng panaginip ko; Nagatatago ako sa ilalim ng table tapos may taong nakakita na nagtatago ako sa table. Tapos parang tinuturo ako nung nakakita sakin. Tapos ako naman parang sinasabi ko dun sa nakakita sakin na wag akong ituro. Tapos binaril ung nakakita sakin ng ibang tao.

Bali nagtatago ako kc may mga naghahanap sakin at gusto rin ata ako nilang patayin. Tapos yung bumaril sa nakakita sakin, ay ung mga taong naghahanap sakin. At hindi ko alam bakit binaril ung taong sinabi na nga kung san ako nagtatago. Siguro para walang witness o ewan.

Tapos nung nakita kong nabaril yung nakakita sakin, dun ko narecognize na nananaginip lang ako.

Pagkatapos nun ay xempre dahil alam kong nasa isang panaginip na lang ako, kaya medyo nacocontrol ko na ung panaginip ko...

Tapos ngyari dun, nakatakas ako sa mga naghahanap sakin. Basta yung ngyari lang dun, parang naglakbay na ako sa iba't ibang isla para takasan ung mga humahabol sakin gamit ang isang malupet na yacht. Tapos kaya ako hinuhunting kasi isa yata akong secret agent dun. Tapos parang pinuputol ko ung mga puno sa bawat isla na mapuntahan ko. Pero wala talaga yung kinalaman..



Bali sa experience kong to, dahil alam kong nananaginip ako, alam kong wala talagang masamang mangyayari sakin. Tapos alam kong panaginip lang kaya parang ndi na natatakot ung character ko sa panaginip ko. Xempre kahit na mabaril ako dun sa panaginip ko ay ayos lang kc panaginip lang kaya pede kong isipin na mabubuhay uli ako dun tapos magkakasuper powers o kahit anong gus2 kong mangyari sa panaginip ko.

Tapos ang maganda sa lucid dreaming ay ang pagpapagana ng imagination. Kc dito, talgang parang totoo na ung imagination mo kaya kung anu gus2 mong isipin, yun yung mangyayari.

Siguro ung ndi lang maganda pagnagkalucid dream ka ay kung gus2 mo ng gumising sa panaginip mo pero kahit anong gawin mo ay ndi ka magising kahit alam mong nananaginip ka lang..

Sa kabutihang palad ay ndi pa naman yun ngyayari sakin. TY LORD!





Tatapusin ko naman ngayun ang post-experience ko ng isang quote;

Dreams are often most profound when they seem the most crazy
-Sigmund Freud

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home