Ako si Vic Sorro.

10/28/07

MCT

Barangay eleksyon na bukas. Tapos nung isang araw may nagcampaign samin. Kaso wala ung parents ko kaya ung katulong lang namin ung nakampanyahan. Boboto rin naman yung katulong namin kaya ayos lang. Yung nangangampanya ay ung previous barangay chairman samin, si MCT. Tapos sinabi sa katulong namin na pagbinoto si MCT at nanalo siya, bibigyan daw ung mga bumoto sa kanya ng pera.

// kwento lang samin to ng katulong namin at sa palagay ko naman walang dahilan para imbentuhin niya to. //

Okay, eto ang bulleted form ng sinabi ko.

1. Si MCT ang dating Barangay Chairman samin. // huwaaw!
2. Tumatakbo ulit siya bilang Barangay Chairman. // alam na!
3. Pagnanalo daw ulit siya, ung mga bumoto sa kanya ay bibigyan niya ng pera. // putonginamoy!


Bali kung iniisip nyu kung panu malalaman na binoto si MCT, parang may ibbgay ata pagkatpos bumoto dun sa mga kasama ni MCT. Di ko sure kung panu basta ganun. Pero halata namang madali lang malaman kung sinu yung binoto kasi lagi na naman to ngyayari eh.

Hmmm.. Bahala na kayu humusga basta ak, nagagago ako! Taena, halatang halata eh! grabe nakakagago! amf!

oh well.

Parang wala na talaga pag-asa na mawala ung corruption satin kc parang nasa kultura na natin na mandaya eh. 2 bagay naiisip ko tungkol d2 eh.

1. Kung mga lokal na opisyal nga, nangungurakot, panu pa ung mga nasa matataas na pwesto sa gobyerno? Malamang sa Alamang! /gg

2. Kung ung mga matataas na opisyal nga sa gobyerno kayangkaya mangurakot, at kung mahuli man sila eh mangongontrata na lang sila ng kung anu anung League of Filipino Ewan para akuin ung mga ngyayari, eh di syempre iisipin ng mga lokal na opisyal na ayus na ayus lang mangurakot!

Either way, malabo na maayus tong sistema sa bansa natin. Kahit ako, cguradong magiging kurakot rin ako kung maging opisyal man ako, PERO imposibleng masama ko sa mga ganyan kaya ayus lang. lol

Kawawa naman tong barangay namin. Kawawa naman tong bansa natin. /gg

Tatapusin ko ang post ko ng isang quote na nakakagago. wahahahhaa!

"Power corrupts. Knowledge is power. Study hard. Be evil.”

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home