Ako si Vic Sorro.

8/13/07

Definitions

Matagal-tagal na rin ng huli akong mag-update. Nakakatamad na kasi saka busy sa paglalaro ng tribalwars.

Ako kasi, mahilig ako mag-judge ng ibang tao. Oo alam ko hindi tamang manghusga ng kapwa pero ganun ako eh.

At syempre kasama ang mga babae sa mga taong hinuhusgahan ko.
At para sakin hindi pareparehas ang magagandang mga babae. Dati akala ko ako lang gumagawa nito pero hindi pala kaya buti na lang. haha! Ang tinutukoy ko ay ang iba't-ibang klase ng kagandahan.

Ganito ang vocabulary ko:

1. CUTE- ung parang masarap kasama kc cute nga eh. kadalasan mukhang bata. haha! Siya ung parang may kakaibang ningning sa mata, basta ganun.

2. MAGANDA- typical na maganda. pagnakita mo, alam mo ng maganda. at lahat mag-aagree.

3. PRETTY- hindi ung sobrang ganda pero may kakaibang aura. Eto ung tipong hindi lahat mag-aagree na maganda.

4. HOT- total package


Para naman sakin, ung pinakagusto ko ay ung cute. Kanya-kanya na lang yan. At kung naiisip nyu na wala akong kwentang tao dahil sa post kong to, eh tama nga kayo.

Tatapusin ko na lang ang post ko ng isang quote ulit.

Beauty, more than bitterness, makes the heart break.
- Sara Teasdale

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home