Ako si Vic Sorro.

5/22/07

WT "F"

ALZHEIMERS' EYE TEST

Count every "F" in the following text:

FINISHED FILES ARE THE RE
SULT OF YEARS OF SCIENTI
FIC STUDY COMBINED WITH
THE EXPERIENCE OF YEARS






---------------------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------------------



Ilan ang sagot mo? Syempre dapat integer sagot mo. Sa mga nakasagot na ng test na to, wala pang tumatama. Pero apat na tao pa lang naman ang napasagutan ko nito.

May improvement pala! Si Master Rob ay nasagot to ng tama! :D

At ang tamang sagot ay anim!...
Kung mali ka, basahin mo uli ng mabuti ung text.

Ako naman, 4 lang ung nabilang ko. Hindi ko maintndhan kung bakit nagkakaganun. Pero ang lupet ng test na to. Nakakabobo. Pero nakakatuwa. XD


* The reasoning behind is further down. The brain cannot process "OF".
* Anyone who counts all 6 "F's" on the first go is a genius. Three is normal, four is quite rare..
Source: ALZHEIMERS' EYE TEST

At hindi ko alam kung anong kinalaman ng Alzheimer sa test na to.

5/17/07

KOL TV

Napanood nyu na ba yung PINAKAMALUPET na TV show?!

KOL TV
Monday - Friday
3:00pm - 4:30pm
RPN 9



Disclaimer: I recommend you watch the show first before reading any of my comments about this show.


ANG MGA MASASABI KO SA KOL TV

1. KOL TV?! Title pa lang palabas nakakabobo na. Grabe sana naman "Call TV" na lang ung ginawa nilang title kaysa sa "Kol TV". Para tuloy bastos ung show dahil sa title.

2. Para makasali ka, una kelangan mong mag-register. Tapos mag tetext ka ng GET X TO 2910, where X| 0 < X < 51, where X is ℤ. At ang bawat text mo ay isang chance para manalo. Bali masmadami kang itext, masmataas ang chance mong manalo! At ang masaya dito, P10 per Text! Pero wag ka magalala dahil hindi naman mababaliwala ang P10 mo. Dahil sa bawat text mo ay may madodownload ka na picture message/logo/ringtone na siguradong i-dedelete mo lang pagkareceive mo. Atleast may free download na kasama..

3. Nagrarange ung prize from P2000-P15000. Depende lang sa hirap ng bawat puzzle. Pero wala ring kwenta ung difficulty kasi ibibigay rin nung host lahat ng posibleng clues para lang ma-gets mo ung pinapahulaang puzzle. Bali kung hindi mo alam ang word, magintay ka lang ng onting sandali at magbbgay rin ng clue ang host.

4. Each puzzle lasts approximately 15 minutes. At sa buong time na yun ay papakinggan mo lang ung host na parang sirang plaka sa kanyang pinagsasabi. Sobrang paulit-ulit lang ung sinasabi ng host. Siguro mga 100 beses nya inuulit ung "GET X and send to 2910" sa bawat puzzle. Sobrang nakakarindi. Tapos kung may iba namang sinasabi ang host, siguradong Words of Persuasion lang ung cnsb nya. Magsasabi lang ung host na magtext ka na kasi sandali na lang ung time. Tapos magsasabi pa siya ng mga walang kwentang dahilan para magtext ka. Ewan ko pero pagpapakinggan mo ung host, matatawa ka na lang kc parang nanloloko lang siya.

5. Dahil lagi kong nakikita itong KOL TV, nakikita ko rin na paiba-iba sila ng host. Sa buong panunuod ko ay 3 tao na ang naging host ng show na to. Ang unang host nito ay ung parang si Bembol Roco na 25 yrs old lang. At ang host na to ay sobrang seryoso sa pagsasalita kaya nkktamad panoorin. Kaya siguro ngayon wala na xa. Yung pangalawang host naman ay parang ung taong nakatambay lang sa mga kanto kanto tapos naninigarilyo na walang suot na t-shirt. Tapos parang hinablot lang tapos naging host agad. Ang host namang ito ay nakakaburat panuorin kc nakakaburat... Ang pangatlong host naman ay parang college graduate lang. Pagpinapanod ko naman to eh parang naiinis ako. Kc eto ung pinakabanong maghost sa kanilang lahat.

6. Kahit na mababa lang ung guaranteed prize, sobrang LAKI naman ng bonus prize! Grabe! Biruin mo P50,000 ung bonus prize! Papaalala ko lang ung mechanics para sa bonus round... Bali after mong sumagot ng tama, pupunta ka agad ng bonus round! Sobrang dali rin manalo sa bonus round! Pipili ka ng 3 cards sa 16 cards na nakadisplay. At dapat ay may joker na laman ang bawat card na napili mo. At kung lahat ng tatlong cards na pinili mo ay may joker, ikaw ay mananalo na ng P50,000!! Pero kung hindi mo naman makukuha lahat ng joker, mananalo ka naman ng P500 bawat joker na makuha mo! Bali kung 2 sa 3 joker lang ang napili mo, meron kang additional P1000! Sulet!

Tignan natin ang chance ng isang tao na makuha lahat ng joker para manalo ng P50,000.

16!
——————
3! (16-3)!

= 560


Bali meron kang 1 out of 560 chance na mapanalunan ang jockpot prize! In other words, kahit sinong taong sasali sa bonus round ay mayroong 0.18% na chance na mapanalunan ang P50,000!

7. Kung napanood nyu kung panu ginagawa ung bonus round, dapat mapuna nyu agad kung gaano ka-imposibleng manalo sa bonus round. Hindi ito ung tipong may physically seen cards tapos titignan ung laman nung card kung may joker o wala. Dito sa bonus round na to, parang may pinapakita lang sa screen na computer generated na mga cards. Anu ibig sbhin nun? Kung may manalo man sa Bonus Round, siguradong kasabwat lang to ng Kol TV at "pinanalo" para ipakita na posibleng mapanalunan ang bonus prize.

8. Pagpinanood mo ang KOL TV ng hindi linilipat ang channel hanggang matapos ang palabas, siguradong sasakit lang ang ulo mo.


Ngayon naman ay tatapusin ko ang post ko sa pagsasabi sa inyo ng inspirational words na sinabi sa akin ng kapatid ko nung nanuod ako ng KOL TV..

Ang sabi niya, "Nagsasayang ka lang ng kuryente.."

5/12/07

the five people you meet in heaven



WOW! Nagbabasa na ko ngayon ng libro! At eto nga ang pinakahuli kong libro na nabasa.. Xempre may mga dahilan kaya ako nagbabasa!

1. WALANG MAGAWA! (parang gusto ka na tuloy ulit mag RF.. T_T)
2. Palagi ko na lang nakikita etong "the five people you meet in heaven" na kasama sa "Favorite Books" ng mga tao sa friendster.
3. Syempre kung madaming may gusto ng librong to, ibig sbhin siguro nun ay maganda yung libro. (nag-assume na naman ako)
4. Para malagay ko na rin sa "Favorite Books" etong librong to. Saka para ma-update yung profile ko! (hahaha! XD)
5. WALA TALAGANG MAGAWA! (guto ko na mag RF!)
6. My Passion for LITERATURE!!!

Ngayong natapos ko na basahin tong librong to, (buti na lang 196 pages lang..) masasabi kong napakaganda nga ng story nito. Title pa lang ng libro malupet na! Maslalo na yung lamang kwento ng librong to. Basta kung hindi mo pa to nababasa eh bumili ka na o kaya manghiram ka na! (naiimpluwensyahan na ko ng Call TV..)
Hindi makukumpleto ang buhay mo kung hindi mo to nabasa!


Tatapusin ko ang post na ito sa pamamagitan ng isang napakagandang quote na galing dito sa libro..

- That each affects the other and the other affects the next, and the world is full of stories, but the stories are all one.

5/11/07

Blog

Ang una kong post ay tungkol sa mga bagay-bagay na may "Blog".

Blogskins
Dito ako naghanap ng template para sa blog ko. Syempre hindi ko tinanggal ung credits part dun sa blog kc baka makasuhan pa ako.

Sa paghahanap ko ng skin ay may mga bagay akong napuna..
1. Halos lahat ng skin ay pambabae lang.
2. Ang mga panlalakeng skin ay puro emo.
3. Hindi gumagana ung thumbnails mode pag pumili ka ng tag.

Blogspot
Eto yun. Una kong napansing bago ay ung sa paggawa ng template sa blog. Nung una, lahat ng tinry kong skin ay may error daw. Xempre dahil kahit papano ay may background nman ako sa css/javascript/html (kahit wala akong natutunan sa comsci), ay tinry kong ayusin at baguhin ung mga error. Pero kada may naayos na kong error ay may bago namang error. Kaya tinamad na ko..

Tapos, may mga naisip ako!
1. Naisip ko na hindi naman lahat ng nagboblog ay pro sa paggawa ng template ng kanilang blog.
2. Siguro naman mauubos ang subscribers ng blogspot kung bawal mo i-save ang ginawa mong template unless 100% error free ang syntax ng code nito.
3. Copy + Paste = New Layout <--- dati

Kaya naman inassume ko na merong option na pwedeng magcopy paste lang ng isang hindi perpektong code.. At tama ako nga ako..

At ngayon ay nagsimula na ulit akong mag-blog.